The Love Story of Katrina Halili and Hayden Kho

Advertisements
Pwedeng isadula sa Maalaala Mo Kaya ang sinapit ng love story nina Katrina Halili at Hayden Kho.

Ito ay base sa kwento ni Katrina sa kanyang pagharap sa Senado kahapon kung saan muli silang nagharap ng dating boyfriend na si Hayden Kho para sa pagdinig ng pamoso nilang scandal videos.

Aakalain mong si Charo Santos-Concio si Katrina sa ganda ng pagkakabasa nito at siyempre, sa ganda ng pagbabahagi ni Katrina ng kanyang love story with Hayden.

Si Katrina ba talaga ang gumawa ng statement na 'yon?

Narito pala ang kabuuan ng nasabing statement ni Katrina (courtesy of GMA News):
Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag-uusapan dito. Minahal ko si Hayden. Bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isiping ako lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan, wala itong pinatunguhan.

Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay ang puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal n’ya rin ako ng lubusan.

Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hiling ko po ang hustisya sa hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.

Patay na ako pero may video pa rin at may Internet. Dalawa lang kasong sinampa ko sa pambababoy na ginawa sa akin sa pagkatao ko. Gusto ko siyang matanggalan ng lisensiya bilang doktor. Wala siyang karapatang maging doktor. Gusto ko rin siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin.

Pero ano po ang iginanti nila. Kasama ni Hayden ang kanyang ina. Sari-saring paninira ang binato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy, ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video, inaabuso pa ako muli sa publiko.

And issue dito ay pang-aabuso sa kababaihan. Ang pambababoy sa akin at sa iba pang biktima ni Hayden. Sa kultura po natin habambuhay na latay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ako na nasasaktan. Araw-araw na nagdurusa. May anak o kapatid din po kayo na babae. Ayaw din n’yo mangyari sa kanila ang sinapit ko.

Sana ipagpatuloy ng Senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layuning itaguyod ang karapatan at proteksyon para sa aming kababaihan dahil iba na ang ginagamit na panggagahasa at pambababoy sa karapatan ng kababaihan. Sa Intenet, sa blogs, DVDs at iba pa.

Nabiktima ako. Isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Hayden Kho. Pero may hangganan ang katangahan. At sa araw na ito buong loob na humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sarili. Ilalaban ko ang aking karapatan ng mabuhay ng marangal, ng walang takot at malayo sa karanasang inabot ko dahil sa sex video.

Sana po sa publiko itigil na po natin ang pagtangkilik sa mga sex videos at malalaswang panoorin. Kung walang tumatangkilik wala rin din pong gagawa ng mga s-x video. Sana po ang pangalang Katrina Halili na lang ang huling nasa mga s-x videos. Sana po wala ng susunod pa. Salamat po.


***

Sa statement na iyon ni Katrina, masasabi nating "intentional" ang panlolokong ginawa nila ni Hayden Kho kay Dra. Vicki Belo, na hayagang magkarelasyon sa mga panahong iyon.

Sabi pa ni Katrina, napaniwala siyang siya lang ang nagmamay-ari ng puso ni Hayden at siya ang prinsesa nito sa ikalawa niyang mundo.

Napakaganda nga namang pakinggan 'yun mula sa isang lalake. Pero maniniwala ka ba kung alam mong si Hayden ay kay Vicki Belo na?

Ibig sabihin, umasa siyang hihiwalayan ni Hayden si Belo at siya ang pipiliin nito?

Nabanggit din ni Katrina na ipinakilala niya si Hayden sa kanyang mga magulang. Kung alam ito ng magulang ni Katrina, bakit kaya sila pumayag na makipagrelasyon si Katrina kay Hayden?

Umapela rin si Katrina sa publiko na itigil na ang panonood ng mga malalaswang video. Ayon pa sa kanya, "Kung walang tumatangkilik wala rin din pong gagawa ng mga sex video."

Parang mali ang statement na 'yun. Hindi ba baligtad?

Eto ang dapat: Kung walang s-x video ay walang tatangkilikin ang manonood.

Ang dapat iwasan ay ang pakikipagtalik sa hindi mo pa asawa at iwasan ang pagkuha at pagkalat ng sex video para walang mapanood ang mga tao.

Hindi dapat ibuntong sa mga taong nakapanood ang kasalanang sa kanila ni Hayden nagsimula.

***

Para naman kay Hayden Kho, tahasan niyang sinabi (in English) na hindi niya kailanman minahal si Katrina. "Everytime we see each other there was no conversation. It was all drugs and s-x, drugs and s-x."

***

Panoorin ang nasabing senate hearing kahapon:

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

3 Comment(s):

  1. tang ina naman..eh si hayden tsumutsupa din yang baklang yan... Kahit anu pang sabihin yo...BABAE pa din si Katrina...at ang babae dapat nirerespeto

    ReplyDelete
  2. nakakatuwa naman c katrina.. now she's appealing to the public na wag tangkilikin ang mga sex videos..anu ba nature ng trabaho niya? yes she doesnt make sex videos pero yun lang namn kulang sa kanya! matagal nang bilad ang katawan niya sa lahat ng tao bata o matanda kaya wala nang bago dun.. now she speaks as if she's so clean and respected! hellur.. kung di ka ba naman ma L... syota na ng iba si hayden bumukaka ka pa!? ngaun ngawa ka nga ngawa.. mas lalo ka lang nakakahiya! iwwww!! nag- enjoy ka naman eh kaya tumahimik ka na bitch!

    ReplyDelete
  3. gosh....regarding sa comment mo kung bakit pinakilala ni kat c hayden sa family ni kat, ok naman ah, bakit mag-asawa na ba sina hayden at vicky belo? dami nga dyan kahit may asawa na pumapatol pa mas dapat nating ikahiya...well, siguro sa iyo masama pero sa akin di masma kung may relasyon man cna hayden at kat wala pa naman papel na dapat ingatan sina hayden at vicky...ganyan din ang babae namimili at ganun din ang lalake. so pls, walang mali sa ginawa ni kat, masyado mo naman pinalala ang sitwasyon or nagselos ka lang kase di mo na get si hayden hehehe, pero tanungin mo ako...pinahawakan lang niya sa akin ang nota niya hahaha...promise totoo yan di nga lang vinideo ni hayden...promise!!!

    ReplyDelete