Live Blogging: PBB Season 2 Countdown to the Big Night

Advertisements
PINOY BIG BROTHER SEASON 2
The Big Night
at the Big Dome
June 30, 2007

5:30 PM Thanks naman at muling nagbalik ang live feed. Ipinakita na ang mga housemates sa kanilang mga bagong ayos.

At heto na ang inaabangan ng lahat na si Wendy Valdez. Mukhang malungkot siya, dahil kaya sa sinadyang magmukha siyang kontrabida?





At aba, may pinaplano pa ata siya? Panindigan mo na yan Wendz.




5:36 PM Ipinakita na rin si Bea. Para sa akin, si Bea ang may pinakamagandang ayos ngayong gabi. Simple lamang ang ayos, at maging sa damit, sa kanya rin ang pinakagusto ko.




5:52 PM Sila'y tinipon na sa LivinG Room.




5:58 PM "You look all good!," ang sabi ni Mickey kay Bea. Marunong si Mickey ah.



5:59 PM Kumakanta sina Gee-Ann at Wendy habang naghihintay ng susunod na announcement ni Kuya. Si Bea tahimik na naman.

6:05 PM May ipod o digital mp3 player na ibinigay sa kanila, at ang kinakanta ni Wendy ay "May Tama Ako" ni Jay-R Siaboc.

7:05 PM ---Nakakagutom naman maghintay--- Matagal nang nakaupo ang mga housemates sa Living Room, mahigit isang oras na, kaya nagsayaw na lang si Gee-Ann.

8:12 PM - Matapos ang dalawang oras na paghihintay, pinatanggal na ni Kuya ang mga lapel, at pinasuot ang ipod at syempre, ang kanilang blindfold. "Wala nang gagalaw," sabi ni Kuya.




---at nawala na ang live feed--how sad. Sa TV na lang ako mag-aabang.

8:25 PM Wow buti na lang bumalik hehe. Sa ngayon ay inaalalayan na ang mga housemates ng Kakulitan ni Kuya na si Jayson Gainza, 2nd Big Placer ng PBB Season 1. Napasigaw si Gee-Ann nang hinawakan siya ni Jayson. Kahit sino naman, mabibigla siguro.

8:28 PM Papalabas na ng bahay ang mga housemates, nang biglang nawala na naman ang live feed.





About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment