Randolf Stamatelaky, siya ba ang dahilan?

Advertisements


Model and basketball player Randolf Stamatelaky (sometimes spelled as Stematelaky), who auditioned in Starstruck 4: The Next Level, appeared on some Kapuso shows and TV commercial for Ginebra, is being pointed out as the cause of the break-up between Mark Herras and EB Babe Lian Paz.





Lian Paz, via an interview with Startalk, has denied that Randolf is the third party and stressed that the guy is an ex-boyfriend.

Here's Abu Tilamzik's article about Lian Paz's interview with Startalk, to be aired on the show tomorrow, January 12, 2008.


Umaagos ang luha ni Lian Paz (ng EB Babes) nang nakausap siya ng Startalk kahapon.
Sobrang unfair daw ang mga ibinibintang sa kanya kaya nagkahiwalay sila ni Mark Herras.

Nabasa raw niya ang mga isinulat ko sa column ko tungkol sa mga isyu sa kanila ni Mark.

Iniyakan daw niya ang mga iyon dahil hindi raw totoo ang mga ito.

“Alam ko po kung sino ang mga nagkakalat ng ganung isyu sa akin, pero ipinagpasa-Diyos ko na lang sila,” paha­yag ni Lian.

Itinanggi ni Lian ang tungkol sa dating boyfriend niyang si Randolf Stematelaky na nahuli raw sila ni Mark.

Matagal na raw silang break ni Randolf bago pumasok sa buhay niya si Mark.

Napag-usapan daw nila ni Mark iyon pero never daw nilang pinag-awayan iyon.

Tungkol sa basketball player na nali-link sa kanya, si Dondon Hontiveros pala ang tinutukoy. Matagal na raw niyang kaibi­gan iyon.

Mahigit isang taon na raw silang hindi nagkikita at nagkausap kaya hindi raw ito dapat pagselosan ni Mark.

“Ang sabi po kasi, nakita raw kami ng kaibigan ni Mark na magkasama kami nu’ng basketball pla­yer. Pagkatapos naman ngayon, ang Daddy raw niya ang nakahuli sa amin.

Sobrang unfair po kasi, dahil nanahimik naman ako, bakit nagkakalat pa ng ganung paninira sa akin?” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Lian.

“Hindi na nga maayos ang paghihiwalay namin dahil nu’ng December 26 lang, tinext niya (Mark) ako na cool-off muna kami dahil hinahanap pa raw niya ang sarili niya.

“Sabi ko sa kanya, mag-usap kami. Tanggap ko po kung ayaw na niya at gusto na niyang maki­paghiwalay, eh.

“Ang masakit lang, sa kaibigan na lang namin nalaman ko na break na pala kami. Parang napaka-ungentleman naman po, ‘di ba?”

Hanggang ngayon ay hindi pa raw sila nag-uusap ni Mark. Kung ayaw na raw makipag-usap ni Mark sa kanya ay okay na raw iyon.

Sa ngayon, ang da­ting pagmamahal na na­ramdaman niya kay Mark ay napalitan na raw ng galit dahil sa ginawa nito sa kanya.

“Masama po talaga ang loob ko. Kasi, sa sampung buwan na relasyon namin, basta na lang siya nakipag-break sa akin sa text,” himutok pa ni Lian.

Naging tapat daw siyang girlfriend ni Mark, bakit nawala raw ang pagtitiwala nito na walang mabigat na dahilan? “Ako, ang dami kong naririnig sa kanya, pero never akong nagtanong. Kasi, malaki ang tiwala ko sa kanya.

“Hindi ko pinapakialaman ang mga gamit niya. Kahit ang cellphone niya, hindi ko tinitingnan. Kasi, may tiwala nga po ako sa kanya.

“Bakit ganu’n na lang bigla ang trato niya sa akin?”

Ayaw mang sabihin ni Lian sa akin, naramdaman kong mahal pa rin niya si Mark kaya ganun na lang ang sakit na naramdaman niya.

Nakarating din daw sa kanya ngayon ang tungkol sa kapatid ni Rhian Ramos na si Nadine pero hindi na raw niya ito pinapansin.

Ang masakit lang daw sa kanya, parang siya pa ang binabaligtad at ginagawang masama.
May ilang pahayag si Mark na hindi napapanood sa TV dahil ang lagi lang sinasabi niya ay time ang dahilan kaya sila naghiwalay.

Sana, huwag daw gawing time ang sinisisi dahil ang pagkakaalam ni Lian, meron pang ibang dahilan kaya sila umabot sa hiwalayan.




About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment