Jay-R Siaboc admits "past experience" with a gay

Advertisements

Kasagsagan pa lang ng Pinoy Dream Academy noong 2006, naging usap-usapan na si Jay-R Siaboc diumano'y pa-booking sa mga bading sa kanyang bayan sa Cebu.


Tandang-tanda ko pa ito dahil ako noo'y babad sa PDA forum ng ABS-CBN at sabi pa ng ilan ay hindi na nakakapagtakang may nakaraan si Jay-R sa bading dahil na rin sa estado ng kanyang pamumuhay at kinalakhan.

Mr. Hilot kung tawagin, naging maningning ang pangalan niya sa kakaibang karisma meron siya, lalung-lalo na sa mga bading.

Nakapanood na rin ako ng kanilang mall tour noon at 'di maikakailang marunong makisama si Jay-R sa mga bading.

Magiliw ika nga, na kahit hablutin at i-harass na siya nung mga wild na wild na mga bading sa side habang kumakanta si Jay-R, okay lang sa kanya at naawat lamang nang maagap na lumapit ang mga guard.

At ngayon nga'y dumadami ang kanyang raket sa telebisyon, siya'y pinagdududahang alaga ng isang gay executive ng network.

Sunud-sunod kasi ang kanyang projects, kaya hindi malayong pag-isipan siya ng ganito.

Nabigyang kahulugan pa nga ang pagpasok ng kanyang girlfriend na si Irish Fullerton sa Princess Sarah noon at ayon sa ilan, package deal daw ang dalawa.

Napabalita ring ang kanyang sasakyan ay bigay diumano ng isang gay benefactor, na mabilis namang pinabulaanan ni Jay-R.

Marahil bago pa man lumala ang mga usaping ito, inamin ni Jay-R na may "experience" na sya sa bading.

Sa ulat ni Joe Barrameda ng Abante-Tonite, walang kagatul-gatol na inamin ng binata na siya ay may karanasan na sa bading.

Bagamat hindi binigyang diin kung ito'y noon pang nasa Cebu pa siya o ngayong nasa showbiz na, isa itong kahanga-hangang pag-amin at sana'y dumami pa ang katulad niya, ang tulad niyang pumapatol sa bading (ay mali!), este marunong magsabi ng totoo.

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment