Piolo not invited to Judy Ann-Ryan wedding

Advertisements

Buti pa si Jason Abalos invited sa wedding (at least sa wedding reception) nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na ginanap nga last Tuesday, April 28, 2009 pero si Piolo Pascual, hindi. How sad?!!

Naayos man ang gusot sa pagitan nina Piolo at Judy Ann pati na rin si Ryan, hindi na rin siguro maibabalik ang dating closeness nina Piolo at Juday. Naging close nga ba sila? Or purely professional lang ang namagitan sa kanila?

Maybe, Piolo and Judy Ann were never friends kaya malamang na hindi nga siya naimbitahan sa wedding nina Juday at Ryan dahil naging pribado ang nasabing kasal at ang mga malalapit lamang sa dalawa ang naroon kasama na nga dito si Jason Abalos.

Si Jason ay naging close friend ni Ryan dahil sa pagiging magkatrabaho nila sa Pieta (na magtatapos na bukas) at sa pelikulang My Kuya's Wedding.

Hindi na rin iba si Jason kay Judy Ann dahil nagkasama na rin sila noon sa Ysabella.

Piolo was very vocal in saying na dadalo siya sa wedding nina Judy Ann at Ryan if in case maimbitahan siya. Pero hindi nga ito nangyari, na inaabangan pa naman ng mga Juday-Piolo fans.

Sa Sabado ay may inihandang party o celebration ang newly weds na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang mga kaibigan at sa media lalung-lalo na sa mga hindi naimbitahan last Tuesday. It will be held in Le Soufle at The Fort. Kasama na kaya dito si Piolo Pascual?

Newly weds Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo



Photos courtesy of Abante-Tonite

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

2 Comment(s):