Vice Ganda 's apology to Jessica Soho over offensive joke

Advertisements
Vice Ganda has made a public apology to Jessica Soho on It's Showtime's episode Wednesday, May 29, 2013 episode.

It was Vice Ganda's humble move to say sorry to GMA 7's VP for News Jessica Soho who, along with fellow broadcast journalists, reacted to his gang rape joke at his Araneta concert last May 17. (Read: Vice Ganda's rape joke about Jessica Soho angers GMA 7 reporters

In his lengthy apology (transcript courtesy of Rappler.com), Vice Ganda said that he tried to apologize personally to Jessica Soho by calling her on the phone Wednesday morning, but the latter, according to Vice, seemed not ready to talk to him. And so he made a public apology at noontime via 'It's Showtime'.

I just want to make things right and I want to make this day a beautiful one, and let's start this right. Alam naman po natin yung mga isyu. May mga malaking isyu at may malaking malaking isyu na lumalaganap ngayon.

May 17, 2013 naganap po ang “I-vice ganda mo ko” sa Araneta. It is a comedy concert; it is a comedy show. It is an enlarged comedy bar show kasi naganap po sa Araneta.

After 11 days, kahapon, may mga lumabas pong isyu, na may mga na-offend, may mga ibinato saking isyu na meron akong nalampasang linya, na meron akong sinabing hindi maganda, na meron akong mga taong sinadyang saktan, may mga tao akong natapakan.

So ang dami pong lumabas sa Twitter, sa social networking, sa news, pero di ako nagsalita kasi gusto kong pag-aralan ang pangyayari kaya hindi po ako nagsalita, at gusto kong i-take ang sitwasyong ito nang may tamang pag-iisip.

Ayokong gamitin ang galit para magreact. Ayokong gamitin ang pagiging immature para makipaglaban. Gusto kong maging matalino, at kahit matalino po ako, kahit sinasabi ng ibang tao na marunong ako, matalino ako, merong mga taong mas matalino sa akin at mas nakakaunawa at humingi po ako ng tulong.

So tumawag po ako sa tanggapan ng ABS-CBN, tumawag po ako sa mga big bosses. Nakipagmeeting po sa akin si Tita Cory Vidanes. Pinatawag po nila ako at sinabi itong isyu, itong kumakalat na isyung iyon. Ito po ay tungkol kay Ms Jessica Soho at sinasabi nila ang jokes ko about rape victims, na meron daw akong mga jokes about rape victims. Tinanong nila ako, ano bang take mo dito, anong gusto mong gawin?

Sinabi ko po sa kanila, sa mga big bosses, na hindi ko naman po kinailangang i-justify ang joke ko, o bigyan ko ng magandang katuwiran 'yung joke ko. Ang joke ay depende sa tao kung paano mo tatanggapin ang joke. Hindi lahat ng joke ay matatanggap ng lahat ng tao at walang kahit isang joke na tinatawanan ng lahat. Lahat ng joke may taong tatawa at lahat ng joke may taong hindi magiging pabor sa joke na 'to.

Ngayon sinasabi ko na po na sinasadya man o hindi sinasadya, may na-offend akong tao. Alam ko sa sarili ko yun at tinatanggap ko. Maaaring naoffend ko nga si Ms Jessica Soho. Bukod kay Ms Jessica Soho marami pa akong naging karakter sa mga jokes ko. Nabanggit ko rin po ang pangalan ni Ms Kris Aquino, ni Mr Boy Abunda, ni Mr Kim Atienza, Mr Gus Abelgas, Ms Pia Hontiveros, Ms. Nancy Binay, Ms Grace Poe at marami pang iba.

Pero sa pagkakataong ito sigurado ko na na-offend si Ms Jessica Soho at sinabi niya na na-offend siya. So sabi ko tatanggapin ko 'yun, na naka-offend ako ng tao. At kung naka-offend ka ng tao tanggapin mo ang pagkakamali mo at paano mo ba to matatangap kung naka-offend ka o nagkamali ka?

Hindi ko makakalimutan ang isa sa mga pinakasimple na itinuro sakin ng mga magulang ko, sinasadya mo man o di mo sinasadya, kung nakasakit ka humingi ka ng patawad at paumanhin.

Lumaki na po nang lumaki ang isyung ito. Marami na silang sinabi kung ano ang sinabi ko at merong mga naganap sa concert. Hindi na ako makikipagtalo kasi kung makikipagtalo ako, hahaba lang nang hahaba. Ang salita ko magiging laban sa salita nila, ang salita nila magiging laban sa salita ko, at hindi lang naman kami ang naglalaban-laban, lahat na ng tao nagsalita na at nagbigay ng opinyon.

Itigil na natin ito. Itigil na natin ang pagbibigay ng opinyon lalo't-lalo pa kung hindi niyo naman talaga alam ang nangyari at hindi kayo nakapanood, kasi magiging magulo lang ang mundo.

So para po sa akin, tinanong ako ng management, "Anong gusto mong gawin?" Gusto ko pong mag-apologize kay Ms Jessica Soho. Pwede akong mag-apologize sa Twitter. Pwede akong mag-apologize sa Facebook. Pwede akong mag-painterview kung saan-saan, pwede kong gamitin ang programang ito, ang Showtime, para mag-apologize.

Pero sabi ko, sa akin naman nagsimula, at may binitawan akong biro na naka-offend dun sa tao.

Kung hihingi ako ng paumanhin, mas sinsero at mas mararamdaman ang sinseridad ko pag sinabi ko sa kanya nang personal.

Kaya tinanong ulit ako ni Tita Cory, "Anong gusto mong gawin?"

Gusto ko pong gawing personal ang paghingi ko ng kapatawaran at ng paumanhin. Gusto ko pong makausap si Ms Jessica Soho.

Kaya ang sabi ng management, "Kung sa palagay mo iyan ang tama, at sa palagay din naman namin iyon ang tama, humingi ka ng paumanhin na personal, tawagan mo si Ms Jessica Soho."

Buong puso ko pong gustong humingi ng tawad. As much as possible, ayokong gawing pampubliko ito kasi ang plastic. Kung gusto mong humingi ng tawad, dun ka dumiretso sa tao. Kung may gusto kang iparating dun sa tao, diretsohin mo yung tao. Huwag mong iparating kung saan-saan.

Kaya tinawagan ko po karakaraka si Ms Jessica Soho. Nag-ring ang phone. May tumanggap sa tawag ko. Sa boses pa lang, alam ko nang si Ms Jessica Soho.

Ang sabi ko, "Good morning, magandang umaga po. Pwede ko po bang makausap si Ms Jessica Soho?"

At sumagot, sabi niya, "Sino po ito? Para saan po?"

Sabi ko, "Ako po si Vice Ganda."

Tapos sabi niya, "Ah, si Jessica Soho ito. Pasensya ka na kasi hindi maganda ang timpla ko ngayong araw na ito."

Kaya sabi ko, "Ah okay po. So is it okay if i just call you some other time?"

Ang sabi niya, "I don't think so."

So sa pakiwari ko, maaaring nasasaktan pa siya. Nasasaktan pa siya, nagagalit pa siya. Hindi pa siya tapos doon. Hindi pa niya ako kayang patawarin. Kaya hindi ko nasabi kung ano ang gusto kong sabihin. At noong sabi niyo po, Ms Jessica Soho, na you don't think na gusto niyo akong makausap maybe tomorrow or some other day, kaya ngayon ko na lang gagawing pampubliko para makarating po sa inyo.

Ako po talaga ay humihingi ng paumanhin. Opo, yun po ay isang biro na maaaring sa inyo ay hindi maganda. At kung hindi magandang biro 'yun at nasaktan ko po kayo talaga, humihingi ako ng paumanhin. Patawad po.

At pinapangako ko po sa inyo na hindi na kayo magiging kasama kailanman sa anumang tema ng pagtatanghal ko. 'Yun lang po ang nararamdaman ko at naiisip kong tamang gawin para makabawi ako kung nasaktan ko po kayo. 'Yun lang po. Humingi lang ako ng kapatawaran.

Kung hindi niyo ako kayang patawarin ngayon, sana po balang araw, matapatawad niyo ako. Katulad po ng sinabi ko bago pa magsimula ang konsierto ko.

Tungkol naman doon sa isyu ng rape, ginawa ko raw katatawaran ang rape noong gabing iyon.

Lahat ng nakapanood ng konsierto nung gabing iyon ay umuwi ng bahay nila na walang naalalang ginawa kong katatawaran yung rape, pero hindi ko ulit i-jujustify ang ginawa kong tama o mali.

Gusto ko lang pong klaruhin sa lahat na hindi po ko kailanman gugustuhing kutyain ang sinumang rape victim. Wala po akong intensyong masama pagtawanan ang mga rape victims.

Alam ko pong seryoso ang isyu sa rape kaya hindi ko pong ginawang seryoso na pagtawanan ang rape victims. Wala po akong intesyon.

Ngayon pa man, kung mayroon pong nasaktan, humihingi po ako ng paumanhin. At sa lahat ng nakisali sa isang maliit na isyu na pinalaki nang pinalaki nang pinalaki na nagmukhang national issue na nagsimula sa isang simpleng biro, kung hindi niyo po nagugustuhan ang pagpapatawa ko, paumanhin po sa inyo. Kung hindi niyo ako nauunawaan, paumanhin po ako sa inyo.

Sa mga nakaunawa nang mahusay sa mga biro ko, maraming maraming salamat.

Ako po ay tao, mukha lang po akong kabayo. Hindi po ako perpektong komidyante.

Alam ko po sa sarili ko, nakasisiguro ako na hindi lahat ng jokes ko ay nakakatawa. at wala naman pong komidyante na lahat ng jokes ay nakakatawa. meron at merong isang taong tatayo at magsasabing hindi naman ako natawa. Depende 'yan sa kung paano mo tatanggapin.

Gayun pa man, sa lahat po ng nasaktan ko, buong puso, mula sa puso ko, sinasambit ng dila ko, lumalabas sa bibig ko ngayon, hindi lang basta idinidikta ng ibang tao at ng utak ko, humihingi po ako ng paumanhin.

Hindi ko po sinasabing hindi na ako magkakamali. Bilang isang tao alam kong matapos ang paumanhin na to, sa pagtahak ko sa mundong 'to magkakamali ako at magkakamali ako.

Kaya magkamali at magkamali man po ako, hindi ako magdadalawang-isip tanggapin ang pagkakamali ko at humingi ulit ng paumanhin.

Kaya sana po tapusin na natin ang isyung ito. Mas maganda, pinapanalangin ko na mapatawad niyo ako.

Sa lahat ng mga nagsalita sa akin ng masasama, lalo na yung hindi nakaunawa at hindi rin nakapanood at nakarinig lang, okay lang, hindi ako nagagalit. Kung hindi niyo ako nauunawaan, ako ang uunawa sa inyo. Maraming salamat po
.

Quicker than expected, Jessica Soho has already acknowledged Vice Ganda's apology, as stated in her statement sent to the Philippine Daily Inquirer later that day. She just hopes that the apology was made with pure intentions.

"I acknowledge the public apology given by Vice Ganda, by way of his TV program. Just to clarify certain points about my phone conversation with him. His call came without warning, as his number was not programmed in my phone directory. I told him I wasn’t feeling well and I wasn’t sure I was ready to talk to him. But I clearly remember thanking him for his call. I sincerely hope and pray that the apology was done with the purest intentions and determination to put this issue behind us. As I’ve said, this is not about me, but about the issue of rape not being an appropriate subject matter for comedy. Rape transcends age, economic class, gender and even one’s weight.



LESSONS LEARNED

The whole issue for sure has taught valuable lessons to Vice Ganda. He said he'd be extra cautious and sensitive the next time, and vowed not to include Jessica Soho anymore in his jokes.

Probably, Vice Ganda will no longer poke fun at respectable personalities coming from the rival station of his home network.

The same time 3 years ago (May 2010), Vice Ganda himself already got involved in a similar controversy, but in that case, he was the one who got offended. Remember Vice Ganda then getting pissed off at Tado over the latter's jokes about being "bakla"? So for a long time now, Vice already knows very well how it feels to get hurt and offended by a joke. - Mykiru.ph
Share on Google Plus

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named recently as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For 8 years now, Mykiru has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 Comment(s):

Post a Comment