It's Pokwang vs Patani. Who has the better P?

Advertisements
May pantapat na nga ang GMA 7 kay Pokwang ng ABS-CBN sa katauhan ng Survivor Philippines Castaway na si Patani.

Si Pokwang ay regular na napapanood sa Wowowee at si Patani naman ay araw-araw na ring napapanood sa Eat Bulaga.

Milya-milya na ang lamang ni Pokwang kay Patani, pero determinado ang GMA 7 na hasain at hubugin itong si Patani hanggang sa maging top comedienne ng bansa.

Ano kaya ang say ni Pokwang ngayong may itinatapat sa kanya?

Sa isang article ng PEP, napikon diumano ito si Pokwang nang minsa'y tanungin siya tungkol kay Patani.

“Parang ganito ‘yan: halimbawa nandiyan si Britney Spears, tinanong mo siya sa kalaban niyang si Christina Aguillera, sa tingin mo ano ang mararamdaman niya? Nandun ako para mag-show, hindi para i-promote ang show ng iba,” ani Pokwang tungkol sa pagtatanong ng isang Cebuano reporter tungkol kay Patani.

“May nagtanong sa akin na isang press daw dun, nagulat ako kasi akala ko ang pag-uusapan namin is yung show ko sa Cebu, ‘tapos ang tinanong ay di naman related sa show. And besides, yung tinatanong nila sa akin ay yung show sa kabila, so, nakakagulat, di ba?”

“Maganda naman ang sagot ko, as long as na tao ang nako-compare sa akin, why not? Ang masakit lang dun ay tanungin mo ako sa show ng kabila. E, alam mo namang Channel 2 artist ako. Pero okey lang, napatawad ko na siya.

“Lahat naman kung may talent na puwede mong i-share, welcome dito. Lahat naman tayo may karapatang umasenso at gumanda ang buhay pero nandun kasi ako for a show.”

“‘Di naman ako nagagalit na i-compare ako sa iba. Kung may talent yung tao, bigyan natin siya ng chance pero kung di dapat itanong, ‘wag nang itanong kasi di naman related sa nangyayari.”

For sure, kung Kapamilya ka ay nasa panig ka ni Pokwang at kung Kapuso ka naman ay kay Patani ka.

Good timing ang pagpapatawa ni Pokwang at si Patani naman ay spontaneous, pero marami pang dapat pag-aralan.

Sana maisipan ng Regal Films na pagsamahin ang dalawang ito sa isang pelikula o kaya pagsamahin sila sa isang TV advertisement.

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment