Blind Item: Matt Evans in video scandal?

Advertisements
Napanood ko ang Umagang Kay Showbiz segment ni Ogie Diaz sa Umagang Kay Ganda kanina at isa sa kanyang pang-umagang hain ay ang diumano'y video scandal ng isang young actor.

Ayon pa kay Ogie, ang scandal daw ay kuha two years ago mula sa isang private cam.

Nagbigay si Ogie ng mga clues at isa na rito ay ang buhok na katulad ng young actor.

Ang initials daw ng young actor ay initials din ng lugar na gustung-gustong puntahan ng mga OFW.

Nabanggit din ni Ogie na merong dalawang letrang inuulit sa pangalan nito at kapag binasa ay 'yun daw ang hawak ng young actor sa naturang video.

Nung sinabi ni Ogie ung tungkol sa buhok, naisip ko kaagad ang former Pinoy Big Brother teen housemate at ngayo'y napapanood sa Iisa Pa Lamang na si Matt Evans.

Si Matt lang kasi ang may kakaibang buhok noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz.

Ang initials niya ay M.E. na maaari ring tumukoy sa Middle East, na ayon kay Ogie ay paboritong destinasyon ng mga OFW.

Sa pangalan ni Matt ay inuulit ang letrang T at ayon pa rin kay Ogie, ito raw ang hawak-hawak ng young actor sa nasabing video scandal.

Bagamat hindi pinangalanan ni Ogie ang young actor at ipinagdiinan niyang "baka" kamukha lamang, mabilis kong nahulaan ang nasabing blind item.

***

Noong isang linggo, may blind item din si Ogie tungkol sa apat na young actor na produkto ng isang talent search.

Ayon sa kanya, ang apat daw ay nauugnay sa isang "ecstasy session" kasama ang isang "gay" lawyer.

Ang initials daw ng apat na batang aktor ay K, V, J at K.

Kung ang sinasabing talent search ay Starstruck, posibleng ang dalawang K ay sina Kirby de Jesus at Kevin Santos, samantalang ang V ay si Vivo Ouano at ang J naman ay malamang na si Johan Santos.

Ito'y mga hula ko lamang at posibleng ang mga nasabing blind items ay mga haka-haka lamang.

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

1 Comment(s):

  1. saan ko po ba makikita ang video ni matt?pwede ko bang malaman???thanks po

    ReplyDelete