Awayang Angel Locsin at Claudine Barretto

Advertisements
Sa awayang Angel Locsin at Claudine Barretto, na parehong nasa bakuran ng ABS-CBN, kaninong panig ka?

Wala pang opisyal na pahayag sina Angel at Claudine pero naglabas na ang Kapamilya Network ng sarili nitong official statement para mapigilang lumala ang sitwasyon:

"Marami na ang nasabi tungkol sa pagkikita nina Ms. Claudine Barretto at Ms. Angel Locsin nung July 4, 2008.

"Dahil dito, nagkaroon na ng meeting noong Miyerkyules, July 23, sa pagitan nina Claudine at Angel kasama ang ilang ABS-CBN executives na sina Ms. Malou Santos, Ms. Cory Vidanes, Mr. Roxy Liquigan, Ms. Mariole Alberto ng Star Magic, ang manager ni Angel na si Ms. Becky Aguila, si Mr. Raymart Santiago [mister ni Claudine], at ilan pang malalapit sa kanila.

"Sa naganap na pagkikita noong July 4, nagkausap sina Claudine at Angel tungkol sa ilang mga isyu na sa kasamaang palad ay napalaki at naging eksaherado base sa kuwento ng ibang kampo.

"Sa naganap na meeting, nilinaw ang mga isyung ito, kinilala at naintindihan ang nararamdaman at emosyon ng bawat isa. Naging malinaw ang lahat at nagkaroon ng kapatwaran.

"Natapos ng maganda at positibo ang meeting at naniniwala ang mga nakasaksi na ito ang magiging simula ng pagkakaibigan ng dalawa. Naniniwala ang ABS-CBN sa maayos na dayalogo at paglilinaw ng mga issues sa mga talent ng kumpanya."

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

1 Comment(s):