Richard Gutierrez reacts on KC Concepcion's MMK episode

Advertisements
In an article by Allan Diones for Abante-Tonite, Kapuso star Richard Gutierrez did not deny that she watched KC Concepcion on Kapamilya show Maalaala Mo Kaya last Friday.

According to Richard, KC's acting was great and he even called to congratulate her.

He was on the set of Kamandag when he watched the said special episode of MMK.

The actor was also asked if he is already courting KC and analyzing his answer, it seems like he's already into it.

Richard also confessed he gave KC a Valentine present.

Here's an excerpt of the said interview:

Kumusta ang Araw ng mga Puso niya?
“Okey naman. Nag-basketball lang ako with the family! Ha! Ha! Ha!”

Kumusta nga ang V-day niya? May date ba siya?
“Oh, man! Hindi… may get together kaming family…”

Pagkatapos no’n, may ka-date ba siya?
“Hindi ko yata pwedeng sabihin,” tila naguguluhang sagot sa amin ni Chard.

Bakit, may ibang karelasyon ba ang ka-date niya?
“Ha! Ha! Ha!” tawa lang niya.

Sino ba? A. Si KC Concepcion o B. Si Jewel Mische?
“Hindi… basta nu’ng Valentine’s, nagbigay ako ng gift kay KC. First time ko siyang binigyan ng gift,” tila nahihiya pang pag-amin niya.

Anong sabi ni KC?
“Masaya siya, masaya siya du’n sa gift ko.”

Iniabot niya ba ‘yon nang personal kay KC?
“Ahmmm… secret na lang!” pa-cute na iwas niya.

So, posibleng si KC ang ka-date niya nu’ng V-day?
“Family ko nga ang kasama ko… family and friends!”

Seryosong tanong: may balak na ba siyang ligawan si KC?
“Basta, ‘pag nangyari ‘yung gano’n, mala­laman n’yo naman, eh! Pero ngayon, for me kasi, timing is very important. Tingnan natin…” biting sey ni Chard.

Napanood niya ba ang guesting ni KC sa Maalaala Mo Kaya?
“Oo, napanood ko. Kasi, nag-promise ako sa kanya na papanoorin ko, eh! Ang galing niya! I called her and I congra­tulated her.

“Kasi, I mentioned it to her na ‘pag may chance akong makapanood, papanoorin ko. Eh, nu’ng time na ‘yon sa taping (ng Kamandag), sakto, hindi ako kailangan sa mga eksena.

“It was a big fight scene ng ibang grupo, so matagal akong naghihintay. Kaya napanood ko ‘yung MMK.”

So, kelan niya balak i-pursue ang panliligaw kay KC?
“Proper timing lang ‘yan, eh! Kasi, you know, I just came from a relationship, she just came from a relationship. We can’t jump into conclusions right away.

“Siyempre, gusto ko, step by step and pro­per timing. So, tingan na lang natin. For now, masayang-masaya ako kung ano ‘yung meron kami!” matamis ang ngiting da­yalog ni Chard.

Nagpaalam na ba siya nang pormal sa Mommy Shawie ni KC na liligawan niya ang dalaga nito?
“I met her na, she’s very nice and sweet!”

As in nakadalaw na siya sa bahay nina KC?
“Ahmmm… sa amin na lang siguro ‘yon. Basta na-meet ko na siya (Sharon) a few times. Tingnan na lang natin. Hintayin n’yo na lang ‘pag may confirmation na. Sasabihin ko naman sa inyo nang buong puso, eh!” pangako pa ni Richard.


About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment