Wowowee Wilyonaryo rehearsal

Advertisements
Usap-usapan ngayon sa Youtube at sa mga forums ang isang rehearsal video ng noontime show na Wowowee para sa isang portion nitong 'Wilyonaryo' na nagbunga ng malaking kontrobersiya tatlong buwan na ang nakalilipas.

Bagamat bahagyang humupa na ang iskandalo at na-scrap na rin ang naturang segment, pinagdedebatehan pa rin kung talaga nga bang mayroon itong "switching of numbers" na aayon sa kagustuhan ng host na si Willie Revillame kung nais nyang panalunin ng malaking premyo o hindi ang isang kalahok.

Narito ang isang rehearsal video ng 'Wilyonaryo' bago ito ilunsad sa Wowowee noong Agosto. Sabi nga ni bogardito69, ang nag-download ng video, kayo na raw ang bahalang humusga.


About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment