Live Blogging: PBB Season 2 The Big Day

Advertisements
Pinoy Big Brother Season 2
The Big Day,
countdown to the Big Night
June 30, 2007

9:08 AM Sa mga oras na ito, sleep na sleep pa rin ang Big 4. Madaling araw na kasi sila nakatulog kanina. Matatandaang nakasama nila kagabi ang muling nagbabalik na si Tina Semolic ng Big Brother Slovenia para sa kanilang huling pananatili sa bahay.

9:20 AM Habang natutulog pa ang mga housemates, nasa loob ng Bahay ang dating boarder ni Kuya na si Bianca Gonzales at ilang staff ng PBB para ihatid ang Big Breakfast ng mga housemates. Malamang shoot na rin sila para sa PBB Updates ni Bianca ngayong araw.

9:26 AM Pumasok si Bianca sa kuwarto at ginising ang mga housemates.


9:30 AM Nasa dining area na ang mga housemates para sa kanilang last Big Breakfast sa bahay ni Kuya.

9:31 Bago pa man makapagsimulang kumain ang apat ay umalis na si Bianca.

9:32 The housemates start eating their breakfast na. Mukhang hindi maganda gising ni Bea. Hindi masyadong umiimik at natutulala. Nag-ri-recharge pa siya.

9:35 Sabi ni Mickey, naawa raw siya (or nahiya?) kay Bianca dahil pagod na pagod daw sila, while si Bianca naman daw was so happy kanina.

9:48 Tapos na silang kumain.

9:51 Usap-usap muna sila sa dining area. Nakasimangot pa rin si Bea, pero tumawa na rin sa bandang huli. Si Gee-Ann, sumasayaw-sayaw sa harap ni Mickey at Bea. Si Wendy naman ay nasa labas para sa kanyang smoking exercise.

9:58 At pumasok na sa loob si Wendy.

10:01 Naghahanda nang maligo ang mga housemates. Nauna si Mickey.

10:05 Sumunod si Gee-Ann, at si Wendy.

10:08 Naglalaba si Mickey ng kanyang underwear at pagkatapos ay nag-toothbrush.

10:33 Naghugas si Mickey ng mga pinagkainan.

10:44 Nakapag-ayos na rin si Wendy. Kausap niya ngayon si Mickey sa living room.

10:46 Si Gee-Ann naman ay nag-aayos pa rin sa kwarto. Di ko pa rin makita si Bea.

10:48 Nasa garden pala si Bea, pakanta-kanta, nagsasalita ng mag-isa at biglang natahimik. Mukhang kinakabahan siya para sa Big Night mamaya.

11:14 Naloloka na nga si Bea, nagsasalita mag-isa sa labas, sumisigaw. Iniisip niya ang mga mangyayari mamaya. Hindi niya raw alam ang gagawin mamaya if andun yung ex-boyfriend niya. Pinatugtog naman ni Kuya ang kantang "Can this be Love" na mas lalong nagpaloka kay Bea. Aminado naman si Bea na nababaliw na siya. Magpatuloy kaya siya sa ganitong sitwasyon hanggang mamaya? Nakabibingi ang sigaw niya.

11:23 Samantala, si Wendy at Mickey nag-uusap pa rin. "People doesn't like me," sabi ni Wendy. Mukhang mali pa ata yun ah. People don't like me siguro. Dagdag pa niya, madali raw siyang makipag-mingle sa iba. Na-i-excite daw siya ngayon para mamaya. Ikinumpara ni Wendy ang self niya sa isang mammoth, na tumatagal at hindi agad-agad nawawala. Tinutukoy niya ang pagkakasali niya sa Big 4, na sa kabila daw lahat ng paghihirap at pinagdaanan niya, nakaabot siya hanggang dulo.

11:29 Muling bumalik si Bianca at inihatid ang mga wardrobe na isusuot ng Big Four. Sobrang bongga.Parehong white or silver kay Gee at Bea, black naman kay Wendy. Huwag nyo nang itanong ang kay Mickey dahil alam nyo na yun. Naiinggit daw si Bianca dahil short dress lang daw sinuot niya noong siya'y nasa Celebrity Edition. Ayon kay Gee-Ann, super bold daw ang damit niya.

11:36 Gusto naman ni Gee-Ann damit niya, kaso di niya raw alam kung pano suotin.

11:38 At sinukat nila ang kanilang mga damit.

12:09 PM They're having their lunch now. Wow kakabreakfast pa lang nila, kain na naman sila.

12:25 PM Tapos na ang kanilang lunch.

12:38 Si Mickey na naman ang naghuhugas at naglinis sa hapag-kainan. Pasayaw-sayaw pa ito habang naghuhugas.

--Lunch muna ko----

1:39 Pinagsuot na ang mga housemates ng kanilang robe at pinaghanda para sa kanilang make-up. Si Gee-Ann ang una, sunod si Bea, Wendy at huli si Mickey.

4:00 Natapos na ang pag-aayos kay Gee-Ann at sinabihan siya ni Kuya na pede na siyang magbihis. Pero bago yan, pinalagay muna ni Kuya ang kanilang mga bagahe sa confession room.

4:04 Nagbibihis na si Gee-Ann. At so sweet of Mickey dahil siya ang nag-a-assist kay Gee-Ann sa pagbibihis hehehe. Ang sabi pa ni Mickey, kitang-kita ang underwear ni Gee-Ann na kulay flesh.

4:29 Nakapagbihis na si Gee-Ann. Mukhang 'di ko gusto ang pagkakaayos sa kanya.

Naputol ang live feed. Malamang last na yun at 'di na babalik pa, so as not to pre-empt tonight's big event.

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment