Live Blogging: Big Night at the Big Dome

Advertisements
The Big Night
Pinoy Big Brother Season 2
Big Dome
June 30, 2007

9:47 PM Opisyal nang nagsimula ang Pinoy Big Brother Season 2, the Big Night. Ipinakita ang pre-taped na pagbabalik ni Tina Semolic sa bahay at ang pag-alis ng apat sa bahay ni Kuya.



9:49 PM Si Tina ng Slovenia ang nasa opening number ngayon, kasama ang mga evicted housemates pati na rin ang host na si Toni Gonzaga.

9:59 PM Commercial muna at sa pagbabalik ay ang pagdating ng Big 4 sa Big Dome.

10:04 PM Nagbabalik ang Big Night at the Big Dome. Toni Gonzaga formally welcomes the Big 4 sa kanilang pagdating sa Big Dome. Mukhang hindi maganda ang paglipat ng mga housemates papunta sa venue. Hindi kagaya noong mga naunang editions ng PBB na may helicopter pa etc., na talaga namang pinag-isipan at kamangha-mangha. Nauna ang Bicolanang si Bea, sumunod si Gee-Ann, ang inaabangang si Wendy at ang global housemate na si Mickey.

10:13 PM Nasa loob na ng isang confined area ang apat na housemates. Ipinakita ang partial tally of votes as of 9:45 PM, na record-breaking nga talaga:
Housemate #1 1,464,986 votes
Housemate #2 1,221,440
Housemate #3 1,158,297
Housemate #4 1,068,671

10:18 PM Commercial gap

10:24 PM And they're back. May special segment si Ms. Kris Aquino at nagbigay ng recap ng mga naganap sa loob ng Big Brother house.

10:36 PM Commercial na naman.

10:43 PM Nagbabalik ang PBB. May impersonation ng Big 4. Nakakatawa. Si Jon Santos po bilang si Mickey, Giselle Sanchez as Gee-Ann, Candy Pangilinan naman ay si Bea at isang hindi ko kilala bilang si Wendy. Sana si Pokwang na lang ang gumanap na Wendy para mas kwela. Hindi nakakatuwa yung nag-impersonate kay Wendy, kaya ang resulta, mas lalong nairita mga tao, nag-boo, merong pang nag thumbs down at sumigaw pa rin ng WENDY LABAS. Chance na sana yun para mabago ang paningin ng mga tao kay Wendy.

11:06 PM Advertisements

11:11 PM PBB is back. Toni is now talking to the Big 4. Nag-sorry si Wendy sa mga nasaktan nyang tao. Tao lang daw siya. Malamang narinig niya ang malakas na pag-booo ng mga tao.

11:15 PM Huling mensahe ni Kuya sa mga housemate. Napaiyak si Wendy ng todo at niyakap si Gee-Ann.

11:20 PM May sorpresang bisita si Bea, ang kanyang pangalawang ama o si Papa Tony.

11:22 PM Si Gee-Ann naman ay ang kanyang Yaya Conching, ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata.

11:23 PM Break time muna...

11:31 PM They're back once again. May sorpresa para kay Wendy at yun ay ang kanyang mommy. Napaka-emotional ng tagpong iyon. Nagsorry rin si Wendy dahil ayaw niyang ang Mama niya ang nasasaktan sa mga pangyayari sa kanya.

11:33 PM Kay Mickey naman ang sumunod, isang kamag-anak na matagal niyang hindi nakita. Ngayon ko lang nakita si Mickey na sobrang umiiyak.

11:37 PM Endless commercial. Panalo na naman ang PBB. Walang kalugi-lugi.

11:44 PM Ang Pagbabalik. Pinresent ni Toni ang mga previous PBB winners na sina Nene Tamayo (Season 1), Keanna Reeves (Celebrity Edition) at Kim Chiu ng Teen Edition. Ipinakita ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng tatlong mga naging winners ng PBB.

11:47 PM At isinara na ang botohan. Walang nagbago sa ranking ng housemates. Kung ano ang ranking nila noong nakaraang eviction, ganon pa rin ngayon.

11:50 PM Commercial gap

11:58 PM Balik na sila. Inannounce ang total number of votes na nakuha. Umabot ito sa 5,187,414, pinakamalaking boto sa kasaysayan ng Pilipinas. Sasabihin na ang 4th Big Placer ni Tina Semolic at siya ay si GEE-ANN ABRAHAN ng Quezon City na nakakuha ng 21.5%. Nakabibigla ito as in. May nahimatay na siguro sa panahong ito. Sigawan ang mga tao ng GEE-ANN. Si Gee-Ann na consistent topnotcher sa mga botohan ay ikaapat lamang.

12:08 AM Commercial uli. Parang natutulala ako sa nangyayari ngayon.

12:12 AM Malapit nang i-announce ang 3rd Big Placer. Sino kaya? Hawak na ni Toni ang envelope. 1,209,978 votes or 23.32% ang kanyang nakuha. Babasahin ni Zanjoe Marudo ang 3rd Big Placer at siya'y si Wendy Valdez. Natagalan bago lumabas si Wendy at paglabas, sinalubong siya ng napalakas na BOOOO. Nag-peace sign siya at nakiusap na pagsalitain muna siya. Nakiusap din siya na siya na lang ang tirahin, huwag lang ang pamilya niya. "Alam kong gusto nyo akong sunogin ngayon, pero ako na lang, wag na ang pamilya ko. God bless na lang po!" litanya ni Wendy.

12:20 AM Commercial ulit.

12:25 AM Ayan na, nagbalik na. Malalaman na kung sino ang Big Winner ng PBB Season 2. Presentor si Sam Milby, ang pinaka-successful na produkto ng Pinoy Big Brother. Garnering 1,286,166 text votes or 24.79% ay si MICKEY PERZ ng Germany. At syempre si Bea Saw ng Bicol ang PINOY BIG BROTHER SEASON 2 BIG WINNER. Babae na naman ang nanalo ngayon.

12:34 AM Lumabas na si Beatriz Saw as the Big Winner ng Pinoy Big Brother Season 2. Sa poll na isinagawa ko sa blog na 'to, consistent #1 si Bea. Siyanga talaga ang nanalo, at kaya pala hindi siya kumikibo masyado kanina bago ang Big Night. 1,571,556 votes ang kanyang nakuha or 30.29%.

12:39 AM Commercial gap.

12:43 AM Sila'y nagbabalik. Mayroong malaking reunion ang mga housemates ng Season 2. Naroon ang CEBALO na siyang kumanta ng theme song para sa porman na pagsasara ng Pinoy Big Brother Season 2.

12:49 AM Closing credits na. Sayawan ang mga housemates. Akala ko may reunion lahat, from Season 1 hanggang ngayon. Season 2 housemates lang pala.

Ayy tapos na ang PBB. Nakakalungkot naman. Good night everyone. Hope to see you again.

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment