Updated Blind Item: Walang Kamatayang Polo-tan?

Advertisements
Guwapong aktor, 'di tatantanan ng seksing starlet

Blind item by Abu Tilamzik on Abante-Tonite, April 08, 2007

--------------------------------------------------------------------------------

Mukhang nasira ang bakasyon ng isang gwapong aktor (Polo Ravales??) sa Boracay nang nakita niya roon ang isang seksing starlet (Zara Lopez of Viva Hot Babes???) na nakatsugihan niya noon.

Nakita ni sexy starlet sa isang bar ang guwapong aktor na may kasamang blondinang girl at ka-holding hands pa ito.

Biglang tinilian ni sexy starlet si guwapong aktor, "Babaero!"

Napalingon si guwapong aktor at nakita nga niya si sexy starlet. Biglang lumabas ng bar si guwapong aktor at hindi na nagpakita kay sexy starlet.

"Naku, mare! Hindi ko siya titigilan!" text ni sexy starlet sa akin. "Hahanapin ko siya para mairita siya!"

Walang hinahabol si sexy starlet kay guwapong aktor. Irita lang siya kay aktor na parang binalewala siya pagkatapos nilang magkatsugihan at kung anu-ano pa ang sinabi nito laban sa kanya.

Kabi-break lang ni guwapong aktor sa kanyang girlfriend (Ara Mina???), meron na kaagad ka-date sa Boracay, kaya lalong nairita si seksing starlet. Ang bilis daw nitong magpalit pagkatapos ng break-up.

Another blind item again by Abu Tilamzik, Abante-Tonite, April 09, 2007

Nakatanggap ako ng tawag mula sa seksing aktres (Ara Mina???)na nag-e-emote sa dating boyfriend na isang seksing aktor (Polo Ravales???).
Nagbabakasyon sa Boracay si seksing aktor nitong nakaraang Semana Santa. Maraming kaibigan si seksing aktres na nandoon at nakita nila itong si seksing aktor na iba-iba ang babaeng kasama na tumatambay sa mga bar.

Ang ikinaloka pa ni seksing aktres, nagsumbong sa kanya ang isang kaibigan na nagwawala raw sa Boracay ang dating boyfriend.

Kung sinu-sinong babae raw ang kinakausap doon at kalandian ng seksing aktor. Madalas pa raw sinasabi ni seksing aktor na matagal na silang break ni seksing aktres.

Itong kaibigan ni seksing aktres ang isa sa nilandi ni seksing aktor. Sinabi pa raw ni seksing aktor na gusto lang niya ng one-night stand, walang long-time relationship. Ang tingin daw nila, parang nagwawala na ang seksing aktor matapos makipag-break kay seksing aktres,

"Ang cheap! Feeling ko, nagamit ako nang husto," text sa akin ni seksing aktres na diring-diri sa mga nababalitaan sa dating boyfriend.

Dati ay may reservations pa siya at nandiyan pa ang hangad na makipagbalikan, pero ngayon ay ayaw na niya.

Sa sobrang irita ni seksing aktres, baka kung ano pa ang masabi niya sa mga interview kapag natanong siya tungkol kay seksing aktor.

Nagpipigil lang daw siya, baka marami pa raw siyang masabi tungkol sa panggagamit sa kanya ng dating boyfriend.

Related articles:
Blind Item: Fiery Francine???
Unbelievable Blind Item
Another Hot Issue for Belo

About M.I.

Mykiru is an entertainment blogger, having been named as one of the Top 10 Pinoy Showbiz Resources in the Philippines. For a decade now, Mykiru.ph has been delivering the latest, the hottest and most trending issues in the country.
Comments

0 Comment(s):

Post a Comment